Parte na ng buhay ko ang paggamit ng computer mula sa bahay hanggang sa trabaho. Mabilis na rin ang words per minute ko sa pagtype kaso sa itinagal ng panahon, hinding-hindi ko pa rin nasanay ang sarili sa tamang paraan ng pagtype.
So mula ngayon, bilang parte ng oplan skill set upgrade ko sa sarili, pag-aaralan ko at ima-master ang tamang pagtype sa keyboard.
Di lang nito mapapabilis ang pagtype ko, mas tataas din ang accuracy ko. Ganun man kasimple kung pakinggan to, pero alam kong pag namaster ko ang typing skills, mas maraming opportunities na mabubuksan para sa akin gaya na lang ng transcribing job na nagrerequire ng mabilisan at accurate typing.
Sa paraan ng aking pagtype ngayon, kinakailangan ko pang tumingin sa keyboard para lang masiguro na tama yong letra. Kung matutunan ko lang yong tamang pagtype and ng tama, kaya ko ng magtype na di tumitingin sa keyboard kundi direkta na sa monitor.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento