Mga Pahina

Sabado, Oktubre 18, 2014

Tamang Paggamit ng Keyboard

Parte na ng buhay ko ang paggamit ng computer mula sa bahay hanggang sa trabaho. Mabilis na rin ang words per minute ko sa pagtype kaso sa itinagal ng panahon, hinding-hindi ko pa rin nasanay ang sarili sa tamang paraan ng pagtype.

So mula ngayon, bilang parte ng oplan skill set upgrade ko sa sarili, pag-aaralan ko at ima-master ang tamang pagtype sa keyboard.

Di lang nito mapapabilis ang pagtype ko, mas tataas din ang accuracy ko. Ganun man kasimple kung pakinggan to, pero alam kong pag namaster ko ang typing skills, mas maraming opportunities na mabubuksan para sa akin gaya na lang ng transcribing job na nagrerequire ng mabilisan at accurate typing.

Sa paraan ng aking pagtype ngayon, kinakailangan ko pang tumingin sa keyboard para lang masiguro na tama yong letra. Kung matutunan ko lang yong tamang pagtype and ng tama, kaya ko ng magtype na di tumitingin sa keyboard kundi direkta na sa monitor.


Sabado, Agosto 16, 2014

Regions of the Philippines

Image courtesy of Wikipedia




3 Major Island Groups
  1. Luzon
  2. Visayas
  3. Mindanao
17 Regions

Luzon
  1. National Capital Region (NCR)
  2. Cordillera Administrative  Region (CAR)
  3. Ilocos Region (Region I)
  4. Cagayan Valley (Region II)
  5. Central Luzon (Region III)
  6. CALABARZON (Region IV-A)
  7. MIMAROPA (Region IV-B)
  8. Bicol Region (Region V)
Visayas
  1. Western Visayas (Region VI)
  2. Central Visayas (Region VII)
  3. Eastern Visayas (Region VIII)
Mindanao
  1. Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)
  2. Zamboanga Peninsula (Region IX)
  3. Northern Mindanao (Region X)
  4. Davao Region (Region XI)
  5. SOCCSKSARGEN (Region XII)
  6. Caraga (Region XIII)

Regions of the Philippines: Bicol Region (Region V)

LUZON: Bicol Region (Region V)

Image courtesy of Wikipedia
Provinces:
  1. Sorsogon
  2. Catanduanes
  3. Camarines Sur (Naga)
  4. Camarines Norte
  5. Albay
  6. Masbate


Image courtesy of Wikipedia

Tips!
  1. Para madaling matandaan ang mga probinsya, gumawa ako ng acronym na SCCCAM.
  2. Para matandaan na Region 5 ang Bicol Region, isipin mo lang na tanging ang B-i-c-o-l at D-a-v-a-o lang ang mga regions na meron lamang na 5 letters. Para naman matandaan kung alin sa dalawa ang Region 5, try mong i-spell out yong number 5 para maging five.Pansinin mo na ang word na five ay may letrang i na meron din ang Bicol pero wala ang Davao. Samakatuwid, ito ang palatandaang Bicol Region ay Region 5.

Regions of the Philippines: National Capital Region (NCR)

LUZON: National Capital Region (NCR)

Cities of Metro Manila:
  1. Manila 
  2. Caloocan 
  3. Las Piñas
  4. Makati, 
  5. Malabon, 
  6. Mandaluyong, 
  7. Marikina, 
  8. Muntinlupa, 
  9. Navotas, 
  10. Parañaque, 
  11. Pasay, 
  12. Pasig, 
  13. Quezon City, 
  14. San Juan, 
  15. Taguig
  16. Valenzuela
 
Image courtesy of Wikipedia

Regions of the Philippines: MIMAROPA (Region IV-B)

LUZON: MIMAROPA (Region IV-B)

Image courtesy of Wikipedia
Provinces:
  1. Mindoro: Occidental and Oriental (Calapan City)
  2. Marinaduque
  3. Romblom
  4. Palawan (Puerto Princesa City)



Image courtesy of Wikipedia


Tips!
  • Sa lahat ng mga regions na may bilang, ang Ca-la-bar-zon at Mi-ma-ro-pa lang ang merong tig-apat ng syllables. Kundi dalawa, eh tatlo lang ang syllables ng iba. Pwede mong gamitin ang distinction na 'to bilang palatandaan na parehong Region 4 ang dalawang regions na 'to.
  • Paano naman matatandaan kung alin sa dalawa ang Region A at B? Tignan mo kung alin sa dalawa ay may maraming letrang a [Calabarzon = 3 a's] [Mimaropa = 2 a's].So, dahil mas konti ang a ng Mimaropa, eh di ito ang Region 4 B.

Regions of the Philippines: CALABARZON (Region IV-A)

LUZON: CALABARZON (Region IV-A)

Image courtesy of Wikipedia
Provinces:
  1. Cavite
  2. Laguna (Calamba City)
  3. Batangas
  4. Rizal
  5. Quezon

Image courtesy of Wikipedia

Tips!
  1. Paano maalala na Region 4-A ang Calabarzon?
    • Sa lahat ng mga regions na may bilang, ang Ca-la-bar-zon at Mi-ma-ro-pa lang ang merong tig-apat ng syllables. Kundi dalawa, eh tatlo lang ang syllables ng iba. Pwede mong gamitin ang distinction na 'to bilang palatandaan na parehong Region 4 ang dalawang regions na 'to.
    • Paano naman matatandaan kung alin sa dalawa ang Region A at B? Tignan mo kung alin sa dalawa ay may maraming letrang a [Calabarzon = 3 a's] [Mimaropa = 2 a's].So, dahil mas maraming a ang Calabarzon, eh di may palatandaan ka na ito ang Region 4 A.

Regions of the Philippines: Central Luzon (Region III)

LUZON: Central Luzon (Region III)

Image courtesy of Wikipedia
Provinces:
  1. Bataan
  2. Bulacan
  3. Pampanga
  4. Aurora
  5.  Nueva Ecija
  6. Tarlac
  7. Zambales
 





                                                                                            Image courtesy of Wikipedia
Tips!
  1. Para madaling maalala yong mga probinsya, gumawa ako ng acronyn na BB PANTZ (as in baby pants) na mula sa mga initials.
  2. Paano maaalala na Region 3 ang Central Luzon? 
    • Kung iisipin mo, ang root word ng Central ay centre (British) at pansinin mo ang last 3 letters. Di ba tre? Ibig sabihin, kapag narining mo ang word na Central, i-associate mo ito sa Region 3. Pero, ipapaalala ko lang sayo na merong dalawang regions na may word na Central: ang Central Luzon at Central Visayas (wala ng Central Mindanao). 
    • Ngayon, ano naman ang dapat mong tandaan para malaman mo kung alin sa dalawa ang Region 3? Una, di ba merong letrang z sa Central Luzon. Kung iisipin mo, ano ba ang hitsura ng small letter na z sa cursive writing? Di ba ganito:
      So, dapat napansin mo na rin na mukha 'tong number 3. Pwede mo na ngayon i-associate yong letrang z ng Luzon, na wala ang Visayas, bilang palatandaan na ito nga ang Region 3. Samakatuwid, centre + cursive z (of Central Luzon) = Region 3.